Bumisita kanina sa bahay ang pinsan ko at dahil na rin sa pagkasabik niya na me makasamang tao ay hindi na niya namalayan ang oras at inabot na siya ng 12 bago niya maisipang umuwi ng bahay. (Cinderella lang ang drama?!) ((hehehe naalala ko tuloy yung time na nabuko ako ng mga kaklase kong lalaki nung grade 4 ako na kumakanta ng cinde-relli cindere-lli dahil nabobore nako sa klase at pinanood ko lang ulit siya nun)). At dahil inutusan ako ng aking nanay ( naisip ko rin naman na yun) ay inihatid namin sa sakayan ang pinsan namin. So kwentuhan lang kami ng kwentuhan ng biglang nabulabog ng isang crash ng bote sa harapan namin. Siyempre nagulat ako plus tingin sa pinanggalingan ng pagkabasag. Naguluhan pako dahil parang wala namang second floor yung building kung saan me boteng nahulog. Hanggang sa bumulaga sa harap namin si ate na hawig nung bida sa The Grudge at ng ordinaryong palaboy. Mygod scary talaga siya. Siyempre kelangan poise pa rin, mamaya habulin pa kami e tipong samin siya talaga nakatingin. So dedma ke ate, tuloy tuloy pa rin sa paglakad sa sakayan kahit na gusto ko na talagang tumili sa takot. (Kung di ko pa kasama pinsan at kapatid ko baka napayakap pako ke kuya na nakasabay namin na mukhang cute ahehehe) Aba si ate di natuwa sa pagbasag niya nung bote at kinuha niya yung isang kahoy at nagpulpok naman ng mga metal gates nung mga shops. Di ko na kinaya yun at talagang pinasakay ko na yung pinsan ko ng kahit anung masasakyan niya sabay lakad ng mabilis palayo habang pinipigilang tumili at syempre mukhang kalmado pa rin. Yun pa naman isa sa kinakatakutan ko, mga baliw na hybrid taong grasa. Nawala tuloy antok ko si ate kasi me galit sa mundo...
#LowHangingFruit 🍌🍌🍌
5 hours ago