Pauwi nako from work at super haggardness na at di ko inexpect na masstress pako on my way home. Masaya na sana ako sa pwesto ko sa fx dahil solo ko ang front seat so walang makikipagsiksikan sakin kungdi lang sa mga jiritasyon na mga estudyante sa likod ko. Nung una di ko na pinapansin ang kalakasan ng boses nilang magkwento kahit na medyo naiirita nako sa language na ginagamit nila dahil every 10 seconds kelangan tlaga may mura leche. Nagparining pa yung isa na ampangit daw nung music na pinapatugtog ng driver. Kakahiya naman sa kanila. At ang super kajiritasyon sa kanila e nung nagpatugtog sila ng music sa cellphones nila na dinaig ang sound system nung fx. Buti sana kung super hip ng pinapatugtog nila e tipong millenia na rin ang tagal nung pinapatugtog nilang music. Kairita talaga. Dagdagan pa ng pagsabay nila sa kanta na parang sila lang ang sakay ni Manong. Nagawa pa nung isa na magkoment na mahiya naman daw sila. Me mga tao talagang kahit nagaaral sa matinong institusyon hindi marunong ng manners... tsktsktsk
#LowHangingFruit 🍌🍌🍌
7 hours ago
0 comments:
Post a Comment