2 comments

X marks the spot...

Talk about awkward. Earlier this afternoon, habang hinahatid ko si W sa kanyang opisina dahil nagkita kami saglit at sinamahan ko lang siyang bumili ng mga gamit niya ay mayroong isang pangyayaring hindi ko inaasahan. Para lang siyang eksena sa isang pelikula, yun nga lang mas mabilis ang naging pangyayari. Dahil sa kagustuhan niyang ihatid ko siya hanggang sa pintuan ng kanilang opisina ay nagkatagpo ang landas namin ng kanyang x for 3 years na nangyaring kawork niya ngayon at kaklase ko nung college. 200 meters palang ay namukhaan ko na siya. (s$*&^% si *&^*&!!) Ok poise kere lang tuloy ang lakad. Kahit na a part of me just want to go to the other way to escape from the awkward moment. Lumagpas kami. Nag hi siya ke W. Deadma. Nag hi siya sakin. Hi ng labas ng ilong naman ako. Bakit ko papakitang apektado ako. Wait bakit ba ako apektado hahaha. Hindi ko rin alam. Siguro kasi hindi kami close ever since college. Siguro kasi ayaw ko lang isiping na for 3 years naging silang ng taong minamahal ko ngayon. Basta alam ko mas maganda ako sa kanya hahaha.;p

1 comments

500 ka lang talaga kuya...

Yesterday, I was happily plumping myself away. Then I overheard two kids (kids talaga younger lang sila sakin ng 2 years). The guy was telling the girl to register for the upcoming elections since they are eligible to vote by then. The girl was hesitant at nawindang lang ako sa panghikayat nung guy sa kanya. "500 din yun" Nainis lang ako ng unti at muntikan pang magsermon kaso pinigilan ko nalang ang sarili ko. I don't think of myself as a patriot. Heck, I already gave up that this country will change for the better. Lalo na kung maraming katulad yung lalaking narinig ko na kayang kayang ipagbili ang sarili niya para lang sa 500 pesos. Kung maraming katulad nung babae na naghehesitate na makialam sa magiging future ng bansa natin. Kung patuloy pa ring magpapadala ang karamihan sa kung sino ang sikat. Alam kong kahit ako hindi ko pa alam kung sino ang iboboto ko sa 2010 pero hinding hindi ko ipagpapalit ang essence ng pagiging Pilipino para lang sa 500 pesos...