M is for the Mistletoe...

Habang ako ay naglalakad pauwi kanina ay may nakita akong mga bulilit na nagppraktis sa covered court malapit sa aming munting tahanan. Napangiti lang ako dahil naalala ko yung mga panahon na ako ay mumunting bata pa. Nung time na nageensayo ang buong klase namin sa classroom o kaya dun sa open area sa kalagitnaan ng araw ng mga iba't ibang christmas songs with matching actions pa. Naalala ko pa na ingat na ingat ako lagi sa props namin at costume dahil syempre gusto ko bongga ako sa mga pictures at hindi mukhang sabog tulad ng mga brusko at mahaharot kong kaklase nun. At syempre tanda ko pa rin yung time na nagperform kami sa entablado nung ako ay nasa Prep ng Christmas Alphabet tapos kumalong ako ke Santa para mag-wish. I just wish ganun pa rin ka carefree ng life ko ngayon. Pero ngayon imbes na ako ang kakalong ke Santa, mukhang ako na ang kakalungan ng mga bata sa laki ng aking tyan kulang na lang ang costume. Imbes na props at costume na lang ang iintindihin ko e mga adult stuff na ang aking iniintindi... hainaku makakanta na nga lang ng GaGa

5 comments:

Dabo said...

RED wine!!! lady gagaga..


"mga panahon na ako ay mumunting bata pa (lang)." hahaha ang tunog inosente, pino at kapuri-puri

lazy john said...

(AHEM) hindi lang tunog inosente, pino at kapuri-puri... totoo yan muhahaha idagdag mo pa ang pagkamayumi ko...

JM said...

hmm... parang hindi nakakapaniwala ung mga sinabi mo.

u know the line, "I know u too well"? ahahaha

Unknown said...

natawa ako sa conclusion. isa sa mga lss ko ngayon yung bad romance. katuwa siya. :)

lazy john said...

@jm: hahaha teh di nako umaasang maniwala ka sakin ever... nyahaha kahit na totoongtotoong mayumi ako

@manech: hehehe salamat sa pagbisita... mabuti naman at napatawa kita.. lss ko rin yung bad romance ngayon eh...