Say Cheese..

Gustong gusto na kitang ipakilala sa pamilya ko. Yung tipong ieexpect ka na nila every weekend na pupunta sa bahay. Makikisalo samin sa hapag kainan. Kukulitin mo ang mga kapatid ko at tatanungin ka naman ng kung ano anong tanong ng nanay at lola ko. Ayaw ko ng gumawa ng kung anu anong dahilan pag-uwi ko ng bahay pagkatapos nating magkasama. Napapagkamalan pa tuloy nila na babae ang karelasyon ko. Gusto ko na kasama ka na hindi lang sa mundo ko kung hindi sa mundo rin nila. Alam ko minsan ay napapatingin ako sa ibang mga lalaki kaya napangiti ako nung naglambing ka na sana ikaw na lang ang cute at macho sakin. Kung alam mo lang kung gaano kita pinagnanasaan hahaha. Alam ko medyo mahirap kung hindi man imposible ang mga iniisip kong eksena sa future natin pero magiging masaya nako basta tanggapin nila ako at ikaw kapag hiningi mo na ang kamay ko... wahahaha umaambisyon habang umaambon ngayong hapon!=)

3 comments:

engel said...

aww this is sweet. :)

wanderingcommuter said...

kakakilig naman. hihihi

JM said...

alam mo ung keso? mas malala ka pa dun. hahaha

akin na nga ung number ng nanay at lola mo! ako na mag-oout sau! haha dba ung ang plan natin tutal masama na ang rep ko sa bahay nio DAHIL SAYO! haha