Honest Mistake...

Me nangyari na naman sakin kanina na maisasama ko sa listahan ko ng embarassing moments of my life. Habang chinecheck ko kung meron pang mga residenteng hindi pa nakakapagayus syempre tinignan ko ang bawat sulok ng ward. At nasurprise with a hint of hiya ako ng nakita ko yung isang wafung patient na kakatapos lang maligo at palagay palang ng twalya. At siyempre tamang tama rin na nagkatitigan kami habang ginawa niya yun... waaahhh naalala ko palang nagiinit nako sa hiya. Buti nalang mabait siya kasi hindi siya nagamok at sinabi lang niya sakin "Ok lang yun" sabay tapik sa braso ko then smile nung nag-sorry ako sa kanya sa nangyari.... waaahh hindi ko tuloy alam kung nangtetempt pa si Kuya. (Gagana pa kaya ulit yung reason ko kahit na hindi na siya honest mistake next time? ahihihi)

3 comments:

MakMak said...

Hahaha! :-) Story of the day!

JM said...

landi haha if i know.

lazy john said...

@mak: hahaha story of the day ba...?? thanks

@jm: hahaha never akong naging malandi... now you know!