Patulugin niyo ako...

Waaah!! Kelangan ko na ng tulog kaso mukhang hindi ko maatim na makatulog ngayung gabi... Habang ako ay nakahiga at malapit na pumunta sa dreamland meron akong kakaibang naramdaman dito sa kwarto at feeling ko me kasama ako ng biglang merong malakas na nagpop na kung ano. Leche talaga!!! Nawala tuloy ang antok ko. Waaahhh... Sakto talagang ako lang ang mag-isa sa kwarto at nakasara na ang ilaw. I just hope one time incident lang to at hindi na umabot hanggang Halloween...

2 comments:

wanderingcommuter said...

hahahaha... huwag kang ganyan. maling maling binasa ko ito ng ganitong oras. mag isa lang din ako sa buong BAHAY! huhuhu

lazy john said...

hehehe... gising ka pa pala nun... haynaku hindi nga nila ako pinatulog dahil hanggang panaginip iniistorbo nila ako... sana talaga later wala na...