0 comments

Wag Koya Wag!!

Kakatapos ko lang manood ng sine kasama ang isa kong friend at mejo hindi pa rin nawala ang aking hormones na isang linggo ko ng pinipigil. Nagawa ko pa nga atang pagawayin ang isa sa mga kakilala ko at ang jowa nya dahil tinext ko sya... Pano gusto ko lang sabayan ang jinit ng panahon at gusto kong madiligan ahihi... Anyhow habang umaasa pa rin akong meron nalang biglang magaappear na isang uber delish na duduki sa harapan ko bigla nalang akong nagulat ng nakita kong sobrang dilim sa subdivision namin. Meron namang ilaw sa bilyaran so naisip kong baka nagpatay lang talaga ng ilaw ang lahat ng bahay sa subd. At dahil ayaw ko sa madidilim na lugar... Sinubukan kong maglakad ng mabilis upang mahabol ko si Kuya na mukhang maipagtatangol ako sa mga masasamang loob dahil sa laki ng katawan nya. At habang sinusubukan kong magmadali dahil sobrang dilim ng daan. Nagulat nalang ako ng biglang huminto si Kuya. Tinakeadvantage lang pala nya ang dilim para umihi. Bigla na namang tumaas ang hormones level ko at mejo natempt lang rin akong itake advantage ang dilim ahihi. Ngunit gumana ang pagkabirhen ko kaya deadma lang at tuloytuloy nalang akong naglakad. Malapit nako samin ng biglang naramdaman ko na na palapit na sya ng palapit sakin at ng ready nako na humiyaw ng Wag Koya Wag!! Bigla nalang bumalik yung kuryente sa aming subdibisyon. Kahit Meralco hindi walang pakisama. hmphf...

0 comments

Sana me duduki...


Effort ang ginawa namin ngaun sa training... Tinuruan kami kung pano magbuhat ng mga lecheng viktima ng calamity... shushunga shunga kasi eh... At dahil dalawa lang kami ng friend ko dun na magkavibes kami nalang ang naging magpartner kahit na isa syang gurlilets... Wish ko lang kanina na sana meron kaming kaklase na 6 footer at 7 incher na uber yummy at hotness tiyak iiwan ko ang aking friendship para magpabuhat sa kanya... ahihi... Ngunit sa kasamaang palad wala akong ganung kaklase kaya nageffort tuloy ako na buhatin ang chabelita kong friend kahit na muntikan ng mabali ang likod ko... Effort talaga buti nalang tapos na kalbaryo ko tomorrow... hehehe

0 comments

Letting Go...

After a hot and really boring day at a public school getting trained to advance my career and something to add on my resume. I went home and got online trying to see if I could catch up with one of my friends on his messenger. He's gone and I saw one of my former friend online. Again I got sad knowing that we may never talk to each other for a reason which is still a mystery to me. Its not my first time to have a fallout with a close friend of mine but it still hurts esp. because I didn't know what's the reason behind it. And all I could do was move on. For some reason I dialled his digits wishing that he'll pick up and we'd talk like nothing happened only to be disappointed once again. The other day another former close friend of mine suddenly texted me asking me how am I? Was I surprised? Yes. Was I moved? Not really. Probably because I have let him go already a long time ago... Sadly I have to do that to a friendship which I also thought to be a special one...

0 comments

Almost Lovers... loviiitt

I love this song!!!



0 comments

Wish ko lang tumubo...




Dahil sa kagustuhan kong me makitang mga bulaklak sa aming hardin, bumili ako kahapon ng mga seeds na pede kong itanim... Ang Gazania at Verbena. Taray ng pangalan, Mukhang masasaya din yung mga bulaklak dun sa picture.Katatapos ko lang itanim ang Gazania seeds dahil sa kasalukuyan ang Verbena seeds ay nakalagay sa ref namin dahil ang sabi sa instructions kelangan daw munang palamigin ang mga to for 1 week. Wish ko lang tumubo lahat sila para in 2 mos. time masaya na garden namin ahihi.

0 comments

Tukso Layuan Mo Ako... (ching)

Kakarating ko lang ng bahay at in fairness maraming naging happenings sa araw ko ngayon. Nakapagparegister nako sa training na magaganap next week para naman mahasa ako sa propesyon ko. Nakapaginquire na rin ako sa isang makyohong ospital sa isang training pa na sa June pa naman gaganapin at nakipagkita ako sa isang friend ko na matagaltagal ko na ring hindi nakakasama.
Late sya ng dating kaya pinauna nalang nya akong kumain. Goodluck sa dieta ko dahil andami ko na namang inorder: Isang slice ng pizza at me pasta at kasamang garlic bread sa Sbarro (plugging ito) Kunin niyo na kasi akong endorser... lagi naman akong kumakain sa inyo hahaha. At dahil ako lang magisang kumain hindi ko natiis na pagmasdan ang mga kasama kong kumakain. Malay mo andun na pala si Prince Charming hahaha. Nagulat na lang ako ng biglang tumambad sakin ang hitsura ng lalaking kasabay kong kumakain dun. Migod anlaki ng tyan! Hindi sa pamimintas dahil alam kong me nakaumbok din sa aking pantalon pero hindi naman ako mapagkakamalan na due na this month hehehe naisip ko nalang na last ko ng pagindulge sa pagkain at kelangan ko na talagang magpapayat para hindi ako matulad sa kanya pagtanda ko.
Dahil 10 long years bago dumating ang friend ko tambay muna ako sa taas at nagadik ulit sa Patapon. At 48 long years nagkita din kami sa wakas. Kwentuhan lang habang naglalakad tapos lipat sa kabilang mall para tumingin ng piratang Across the Universe at Step Up 2 na sinabi ni manong na DVD copy na daw pero hindi naman pala pero oks lang kasi 50 lang naman isa so hindi nako mageeffort na bumalik ulit dun para ipapalit.
Pagkabalik namin dun sa mall me nasight akong biyaya ng Diyos. haiizz nakakapangigil lang ang kanyang katawan dahil nga isa sya sa mga nanghihikayat na maggym sa isang popular na gym place. At nasense nya ata na me unting pagnanasa lang ako sa kanya... ok mejo malaking pagnanasa hehehe. Parang gusto ko na atang maggym now na hehehe. So pagkatapos naming magkwentuhan galore at magcatch up over a slice of cake. (Promise bukas hindi nako kakain) Nagpaalam na kami sa isa't isa.
On my way home, at fresh pa rin sa aking mind ang hitsura ng 1st temptation of the day meron namang isa pang nagbigay ng isang masayang hayy sakin hehehe. Sayang hindi ko sya nasight masyado dahil sa isang train station ko lang sya nagkita at nagkasabay lang kami sa paglipat sa kabilang train station. In fairness isa pa syang yumminess dahil sa built nya na sobrang tangkad at maskulado na kung anu ano tuloy ang pumapasok sa isip ko... ahihi.
Dahil sa mga nakita kong yun at mga nagawa ko ngayong araw nakangiti lang ako pauwi not expecting na me susunod pa palang tukso. Nakasabay ko naman sya sa FX at nagkatitigan lang bago sya pumasok. Sayang nasa gitna sya at nasa likod ako. Kalbo na mejo malaki ang katawan dahil sa muscle at definitely cute. Natuwa pako dahil kasabay ko syang bumaba at on the way sa subdivision namin. Muntikan nakong hindi makapagpigil hehehe kaso natatakot akong mabugbog so hindi ko na sya inapproach. Kala ko naman susundan nya ako sa paglalakad kaso sumakay sya ng trike. lech. hehehe Why do all good men get tempted?? ching.... ahihi

0 comments

PATA-PATA-FEVER

Dahil sa larong to wala na naman akong nagawang productive kahapon... haii sino ba naman ang hindi maadik sa mga cute na patapons na mahilig kumanta sa drums mo at hindi sila pumipiyok basta hindi ka mawawala sa beat. In this game you play the Almighty of the Patapons where you have to lead them to their land using drumbeats to guide them. With its really addicting sounds and cute characters and really colorful settings I easily got addicted to the 4 time beat of the Patapon game. Angsayasaya ng patapon hahaha pero kelangan ko ng magsimulang magayus kundi baka buhay ko na ang magiging patapon hahaha.

0 comments

Reflections...

After kong mapagmunimunihan na kelangan ko ng maging productive na sa life ko dahil wala nakong ginawa kundi kumain at matulog naisipan ko ulit na magsulat sa isang blog ng mga kung ano lang ang pinagkakaabalahan ko para naman pag nabasa ko to maiisip ko na me nagawa akong productive sa araw na yun... hehehe. At kasama ng pagsusulat ko ulit sa isang blog e ang iba't ibang mga planong hindi ko pa nasisimulan o tinamad lang akong gawin tulad ng pageexercise para naman hindi nako mukhang butete at baka sakaling meron ng magapproach sakin na isang cutie na walang commitments at hindi lang sex ang habol... Kelangan ko na ring magbasa, mag-aral at magtraining ng seryoso para makapaghanap na ng trabaho at kakaburyo na dito sa bahay. Gusto ko ring ayusin yung garden namin kasi mukha nang gubat sa dami ng halaman e wala namang flowers. Goodluck sa mga plano ko hehehe...