Nakakamiss...

Habang naglalakad pauwi kanina sa aming munting subdibisyon. Meron akong nakitang tutubi at biglang napaisip ako ng mga moments nung ako ay musmos pa. Panahon kung saan nawiwili ako na mangapit-bahay, magpunta sa damuhan at dahan- dahang gumapang sa likod ng insektong balak kong iuwi sa munti naming hardin. Naalala ko ang mga hapon na nagpapatintero, matayataya at agawan base kami hanggang gabi. Mga araw kung saan wala akong pakialam sa mundo. Natawa nalang ako kasi parang tumatanda nako... hahaha

0 comments: