Super Freak! Cirque Du Freak!
Lots of quotable quotes such as "I'll ram my head up your a$%!!" and "Being human is not what you are but who you are" Lots of laugh and a really freaky movie and not your ordinary boring vampire movie. Looking forward to the next installment...;p
Posted by lazy john at Saturday, January 30, 2010
Chuecatown (Boystown)
This movie is very funny especially the female casts. Besides that, there is a very sexy scene with Pablo Puyol at climax. I think I'm loving Spanish gay movies. That or their actors hehehe
Posted by lazy john at Wednesday, January 27, 2010
Inhale... Exhale... Walk Away...
Waaaahhhh!!! Unting unti nalang meron na talaga akong magagawang hindi maganda at baka pagsisihan ko. Sumasakit na ulo ko sa pagpapasensya sa kanya at me 2 linggo pa natitira. Gustong gusto ko na talagang sumagot ng pabalang!! Buti nalang me natitira pakong respeto sa kanya. Sana makayanan ko pa ng two weeks. Kelangan ko nalang talagang umiwas as much as I can kaso ako palaging hinahanap nito. Grrr talaga. Masusunog na talaga ako sa hell sa mga iniisip ko. Tama ba naman kasing lahat e pakielaman at lahat me komento. Yun pa naman pinakakinaiinisan kong ugali ng mga matatanda. Yung feeling nila e porket matanda na sila na alam na nila ang lahat. Yun rin yung reason kung bakit hindi kami close ng dad ko eh. Yun at yung pagkokomento niya everytime na me makita siyang bakla sa kung anu mang pinapanuod o pinapakingan niya. Siyempre nahuhurt ako kasi feeling ko hindi niya ako matatangap kung sakaling mag bonggang parade nako. Helllooo normal na mga bakla sa mundo!!! Get over it!!! Kaasar talaga. Matutulog na nga lang ako. XXX(
Posted by lazy john at Monday, January 25, 2010
Muntik nakong maging straight...
Kanina, habang ako ay naglalakad papunta sa malapit na suking mall ay may nakita akong babae. Ngunit hindi siya pangkaraniwang babae dahil hindi tumaas ang aking kilay sabay tingin mula ulo hanggang baba. Sa halip ay humanga ako sa hubog ng kanyang katawan. Ang kanyang mahaba at payat na binti ay mas naeenhance ng suot niyang pares ng pantalon kaya kitang kita rin ang bilugan at matatambok na likuran. Ang kanyang balat ay makinis at porselana na mas lumutang pa dahil sa suot niyang itim na tank top. Idagdag pa na bet ko ang suot niyang sapatos na mas lalung nagpatangkad sa kanya. Binilisan ko ang aking lakad para makita ko kung talikod-genic lang ba ang loka. Nang ako ay nasa overpass sinilip ko kung anung hitsura niya. Winnur si ate. Bihira lang ako humanga sa mga babae dahil kadalasan ay pinagtatawanan ko lang sila. So tuloy pa rin ako sa paglakad papuntang mall habang iniisip ko pa rin kung gaano kaganda at kaseksi si ate. Saktong nasa entrance ako ng mall ng biglang lumabas si kuya na male counterpart nung ate na kakakita ko lang. Biglang sunod sunod na silang nagsisulputan. Napangiti ako dahil nawala na sa isip ko si ate at pinaalala sakin kung bakit ko nagustuhan ang mga barako... hahaha
Posted by lazy john at Friday, January 22, 2010
Kelangan ko na talagang maging bastos minsan...
Minsan talaga kelangan ko ng maging taklesa at magpakabastos sa mga tao. Nagiinit na ulo ko kanina sa kanya kanina dahil sa kung anu anong pinapagawa niya sakin tapos hindi pa ako maayos na kinakausap. Pero nung tanungin niya ako ulit e hindi ko mapigilang sagutin siya ng maayos. haiiizzz. Ang hirap din ng sobrang bait. Kelangan ko ng mag-seminar ng pagiging bastos pero hindi ko naman alam kanino ako magpapaturo.... hehehe
Posted by lazy john at Wednesday, January 20, 2010
Home at Last...
I am back from a trip back to my province which I thought would be worse than before. Sobrang marami ng nagbago sa lugar na minsan kong kinasasabikang uwian. Hindi na siya kasing lively di tulad nung bata pako na probinsyang probinsya ang feel niya kasi maraming hayop, maingay mga tao atbp. Wala na yung maiingay na baboy na naging alarm clock ko nung bata ako tuwing papakainin sila tuwing umaga. Naalala ko tuloy nun na yun ang palagi kong pinupuntahan kasi aliw na aliw ako sa laki at ingay ng mga baboy kahit na mabaho sila at hinahanap ko kung me biik dun hehehe. Palaging highlight ng uwi namin nun ang pagkatay nila ng 1 o 2 mga baboy kaya nagigising ako ng maaga para lang makita kung paano nila gitlan ng leeg tapos ilalagay yung dugo sa planggana tsaka hahaluan ng asin ( me pagkapsychopath lang ang dating bata pa lang) Wala na ring mga sisiw na dati kong hinuhuli tsaka ko daw nilalagay sa loob ng lata at pagpapatung patungin ( na muntik ko ring ikabulag ng biglang nakawala yung nanay nila at tinuka ako sa mukha malapit sa mata) Wala na ring mga itik na kinukuhanan namin ng mga pinsan ko ng itlog na kakainin namin tuwing umaga. Higit sa lahat, wala rin yung mga dati kong kasama sa kakulitan ko. I feel so alone. Kasi ang mga pinsan ko dun ay 10 years younger than me. Yung mga tito at tita ko dun ay mas matanda rin sakin at siyempre ang natira ay ang mga lolo at lola ko. At dahil dyan napilitan akong aliwin ang sarili ko. Kung hindi ako naglalakad magisa sa baybay hoping na merong isang hottie na mangingisda (para magaling manisid) o kaya magsasaka (para magaling umararo) ay nagiging ulirang baby sitter ako ng mga pinsan kong super kulit, o kung di naman ay ginagamit ko nalang ang cam ko para di masayang ang pagkakacharge ko sa kanya. Marami sanang magagandang photo-ops kung kasama ko ang mga malalandi at mga hayok din sa camera kong friends. At least sa tatlong araw ko dun ay nailagan ko ang tanong kung me girlfriend na ba ako at hindi na rin ako sinugod ng lolo ko at sinabihan akong bakla ako hahaha actually mabait nga siya nung buong stay ko dun at tinitry niya akong biruin. Triny ko namang maging casual pero hindi ko na talaga maiwasang mailang sa kanya. Natouch lang ako sa sinabi nung mga pinsan ko nung nagbonding kami sa dagat at pauwi na kami... "Sana kuya dito ka nalang palagi"
Ito ang nagagawa ng walang magawa sa probinsya:
picturan ang lahat ng puno na makita kahit yung nabuwal na at magilusyon ng photoshoot
( gusto ko sanang magpichur ng nakahiga dito sa puno na to na parang fairy na natutulog lang)
hindi mapigilang magposing sa nabuwal na puno hahaha
(neutral pose nga lang)
picturan ang lahat ng klase ng ulap at halaman...
( gusto ko sanang magpichur ng nakahiga dito sa puno na to na parang fairy na natutulog lang)
hindi mapigilang magposing sa nabuwal na puno hahaha
(neutral pose nga lang)
picturan ang lahat ng klase ng ulap at halaman...
Posted by lazy john at Monday, January 18, 2010
Here We Go Again...
One week and I'm already exhausted. I love my lola and I miss her terribly but right now she is getting into my nerves. I know she has good intentions as they all have had before when they tried to hard sell nursing to me and because I wasn't really decided on what to take up, I eventually gave in. But that is in the past, I have to get over it. Right now, I'm still a bum with a really messed up plan if there is any running on my mind. Now, she is trying to make me work in places I am so not comfortable to work in. Saudi!! I have heard from stories of friends who have gay friends that previously worked there and they have been adamant in telling me not to work in Muslim countries because gay people are prosecuted there. Talk about feeding me to the wolves. Demmit! I want to figure out how to work this mess of my life right now on my own and I just need their support, not them taking over my life.
Posted by lazy john at Thursday, January 14, 2010
Awkward much...
Ang mga relatives ko sa aking father side ay kasalukuyang andito sa bahay ngayon. At katulad lang ng isang bonggang bonggang family reunion ay awkward time na naman para sakin. Buti nalang ay meron akong inasikaso buong araw kaya nakaiwas na naman ako sa mga tanong na hindi ko na dapat sinasagot at hindi na dapat nila iniuusyoso. Syempre napansin na naman ng lahat na medyo lumaki ako ng unti na tanggap ko naman kasi talagang mukha akong drug addict ng aking high school at college days. Hindi ko nga alam kung bakit bigla nalang ako lumobo bigla. Ever since naman talaga ay hindi na talaga ako close sa kanila tapos ngayon na angtagaltagal ko ng hindi nakauwi at alam kung anung nangyayari sa life nila ay bigla silang magsusurprise visit... kaya ito ako ngayon nagtatago sa kwarto hahaha baka naman isipin nila snob ako... haiiizzz saan kaya ako magtatago sa mga susunod na araw sa probinsya???
Posted by lazy john at Wednesday, January 13, 2010
Questions and Crushes...
My grandparents recently arrived from abroad last Friday. At dahil ako ang walang ginagawa ngayon sa bahay, ako ay magiging personal alalay for the whole month. That night they were craving for ice cream at kelangang bumili ng sim card for them to get in touch with us kung kelangan. I accompanied my lolo to the mall at syempre we're having small talk along the way. Dahil aktibo siya ay naglakad pa rin kami pauwi kahit na medyo hinihingal nako sa pagakyat at pagbaba ng overpass habang me bitbit. Tapos biglang bumanat pa siya ng, "O me girlfriend ka na ba?" Tatambling sana ako kung wala lang ako bitbit eh. Dinaan ko nalang sa halakhak sabay sabing wala pa tapos awkward silence na. hahaha kasi naman bakit kelangang maging intrigero lahat ng mga kamag-anak tungkol sa lovelife ng mga kamag-anak nila. Sasabihin ko sana "Lo boyfriend po meron ako..." Kaso baka hindi nako bigyan ng pasalubong hahaha. Tapos next week ay sasamahan ko namang umuwi sa probinsya ang lola ko. Effort. E ilang taon na nga akong hindi umuuwi dahil sa nangyari sakin dun eons ago... waaahhh for sure hindi lilipas ang time ko dun na hindi ako matatanong nun or worse hahaha...
Dahil na rin sa andito ang lola ko ngayon ay napa-comeback din ako sa loob ng simbahan. Hindi na kasi ako regular na napapasimba dahil sa @) Indian yung pari at hindi ko siya maintindihan kaya parang wala rin. b) minsan ay walang sense ang sinasabi ng mga pari at parang namumulitiko lang c) tinatamad lang ako hehehe. So kanina akala ko Indian na naman yung pari kaya natetempt nakong sumakay ng trike at lumipat ng simbahan. Pero mukhang mapapasimba nako every week kung siya na ang aming official parish priest dahil parang crush ko na ata siya hahaha (masama ba yun?) Kahit na mukhang slightly aged na siya ay me hitsura pa rin tapos me sense of humor (nagjoke kasi siya sa homily) at nakakainlove yung boses niya (Kumanta rin kasi siya sa homily) waaaahhh mapupunta na talaga ako sa impyerno hahaha
Dahil na rin sa andito ang lola ko ngayon ay napa-comeback din ako sa loob ng simbahan. Hindi na kasi ako regular na napapasimba dahil sa @) Indian yung pari at hindi ko siya maintindihan kaya parang wala rin. b) minsan ay walang sense ang sinasabi ng mga pari at parang namumulitiko lang c) tinatamad lang ako hehehe. So kanina akala ko Indian na naman yung pari kaya natetempt nakong sumakay ng trike at lumipat ng simbahan. Pero mukhang mapapasimba nako every week kung siya na ang aming official parish priest dahil parang crush ko na ata siya hahaha (masama ba yun?) Kahit na mukhang slightly aged na siya ay me hitsura pa rin tapos me sense of humor (nagjoke kasi siya sa homily) at nakakainlove yung boses niya (Kumanta rin kasi siya sa homily) waaaahhh mapupunta na talaga ako sa impyerno hahaha
Posted by lazy john at Sunday, January 10, 2010
It's Been A Year...^-^
Time is quick and it's been more than a year since I met you and we've been together for a year now. I just want to thank you for putting up with all my craziness and drama this past year. Thank you for loving my flaws, for always saying I love you and take care, for always understanding me and not picking fights, for making me laugh, for being vulnerable and saying what you feel, for making me feel safe with you, for your sweet gestures, for your hugs and kisses, for being spiritual, for your faithfulness, for not being perfect. I love you so much and I hope we'll have another year to go... ^-^
Posted by lazy john at Wednesday, January 06, 2010
Subscribe to:
Posts (Atom)