Close Call...

I almost had a great day today. I spent most of the day reviewing with Ker at Seattle's Best. (Productive) Enter the dragon si Jeland mga late afternoon. I was done reviewing then so chikahan lang kami. Then Jacques came and we had our dinner after courtesy of Ker sa Katips (woohoo sa susunod bibiruin ko sya ulit hahaha) Sayang hindi na kami nakapunta ng Banapple ( I really miss their pies) dahil they have to go home. At dahil isa akong ulirang friend, kelangan kong magintay sa Gateway para kitain ang nagddrama kong friend na si JM.

They dropped me off sa Santolan and I rode a bus papuntang Gateway. Nung pababa nako the conduktor was calling for other passengers and the bus stopped. Hindi ko alam kung napupupu ba sya, me galit sakin o gusto lang talagang magbiro ng masama pero nung tumigil sya at nung pababa ako. Bigla nalang siyang umandar agad. Buti sana kung sa open road siya umandar e tinapat nya talaga dun sa merong harang. Buti nalang mabilis ang mga reflexes ko at di ako bundat (ahem) kaya nakakapit pako sa railings at hindi nahagip. Poised na sana kaso merong aleng naging hysterical kaya napansin ng mga tao ang nangyari sakin. (Exposure na naman)

Tumambay ako sa DQ na medyo traumatized at dyahe kasi sa lahat ng ayaw ko e tumatambay ng magisa. Mas lalo ko kasi nararamdaman ang pagiging single ko. Buti nalang nakita ko si Victor Basa. ( Kumalma ako for a time) Nung nawala na epekto niya nagtalo pa kami ni JM. Mejo nahurt lang ako kasi natouch lang ako sa sinabi ni Je earlier about me na sinabi niya tapos biglang ganun. ( Ouch JM! hahaha OO kinukunsensya na naman kita) Eventually dumating na siya at ayos na naman kami dahil sa kabutihan ko. (At dahil dun ililibre niya ako sa Friday ng sine hahaha woohoo)

0 comments: