Exposure ito...

Kahapon, naisip ng trainer namin na masaya siguro kung parurusahan ang mga malalate. At dahil sa nakipagkwentuhan pako sa net ke JM, ( OO Sinisisi kita JM!! hahaha) nahuli ako ng pag alis ng bahay. 30 minutes before the time nung nakasakay ako sa lrt2. Kumakalam na ang sikmura ko dahil hindi pako naglulunch at ang sabi ng trainer namin 3 pm na daw kami magbbreak. After 10 minutes ng train at 5 minutes ng paglalakad nakaorder nako ng lunch ko sa isang fast food chain. 15 minutes before mag 12. Kaya ko pa yan. Baka malate rin ang mga tao ngayon , sabi ko sa sarili. 12:05. Late naman yung relos sa office. Kampante pako na kumuha ng tubig bago ako dumiretso ng room dahil 12 sakto sa relos ng building. Nagulat nalang ako ng sabihin ng trainer ang pangalan ko at sinabing kelangan kong magperform sa harap pagkatapos ng laro namin. Huuuwwwaaattt?! Hindi tuloy gumana ang utak ko sa laro namin sa kakaisip kung ano namang performance ang gagawin ko. Cartwheel sabay hairflip habang tumatambling kaya?? Baka masyado silang mamangha... Hindi naman ako pedeng magcatwalk kasi ang iksi ng runway (hahaha) Ayaw pang magpaextra nalang ako sa isang performance yung isang nagmamagandang babae dun. hmpf! Effort ito. Sa lahat ng ayaw ko exposure. At dahil sa wala na kong maisip at talagang pinepressure na kami ng trainer namin na magperform now na!! Kung hindi, mas lalu niyang dadagdagan ang percentage ng audience impact sa criteria of judging wala nakong nagawa kundi gumigilinggiling sa indayog ng musikang Awstralyano. Sinayawan ko pa ang boss namin sa harap ( baka sakaling mapromote) hahaha . Most Embarrasing Moment in the Office for Now. Kakahiya kahit na ako ang may pinakamalakas na applause (naman!!) hahaha

1 comments:

JM said...

HAYUP KA! haha ako pa sinisi mo? kasalanan ko bang toyoin ang trainer mo? hahaha

buti nga. sana navideo tapos iupload sa youtube para ipagkalat ko! ahahahh