I wish everyone would stop asking me that question...

Dahil gusto kong uminom ng water pumunta ako sa kitchen namin kung saan naghuhugas ang aking kapatid at nakatambay naman ang tito at tita ko. Pinagbanlaw ako ng kapatid ko at dahil kelangan kong maging mabait sa kanya pumayag ako not knowing na meron pala silang pinaguusapan ng tito at tita ko at nadamay pako sa kaguluhan nila. My aunt asked me, "Me gf ka na ba?" tawa kuno tapos sinabi ko nalang na "Gastos lang magkagf eh" (leche hindi kami talo noh) At hindi pa siya nakuntento sa pangtotorture sakin. May follow up question pang kasunod. "E may nililigawan ka ngayon?" Isip naman tuloy ako ng magandang dahilan... "E gastos nga lang po yung panliligaw tita" (hainaku kelangan ko bang ipagsigawang hanggang friends lang talaga ang turing ko sa mga girls???) Akala ko tapos na siya sa paghohotseat sa akin but wait meron pa talaga siyang naisip na follow up question. "E nanligaw ka na nun?" (ayaw talaga akong tantanan haiizz) Sinagot ko nalang siya ng oo kasi akala ko matatapos na siya dun but wait nakaisip pa siya talaga ng isa pang tanong (The Buzz ba ito?? Hindi pako ready... pedeng no comment nalang) "E panu ka naman manligaw?" Buti nalang umeksena na yung tito ko at siya na ang nagkoment dahil wala kulang na siya sa exposure hahaha. Dinalian ko nalang maghugas bago pa ulit makaisip ng iba pang tanong na hindi pako handang sagutin... I wish my family would stop asking me that question already...

0 comments: