The Number Cannot be Reached...

At dahil hindi ako nakapagblog kahapon nawala na ang enthusiasm at ang idea ko kung pano ko isusulat ang mga nangyari sakin this couple of days. Friday pumunta kami ng Laguna to go to a celebration party ng isa sa aking newfound friend na si Jeland dahil he recently passed the bar. (hehehe pede nakong magkakaso) At dahil sa ayaw naming magbyahe ng mainit napagdesisyunan namin ng kasama kong si Janno na bumiyahe ng maaga. Supposedly ay imimit pa namin ang isa pa naming friend na si DJ who was supposed to come kaso hindi rin nakapunta. So nagbreakfast nalang muna kami sa KK habang naghihintay ng directions from Jeland. Kami ang unang dumating sa kanila na mga bisita which meant na kami rin ang me pinakamaraming nakain dahil 3 beses namin kelangang bumalik para makisabay sa mga batch ng bisita ni Jeland. hehehe. Masaya dahil lumawak ang network ko hanggang Laguna. At habang lumalamon kami ni Janno pinagdedebatihan namin kung anong gagawin namin after nung ke Jeland. At dahil ayaw pa naming umuwi sa bahay we opted to chill out sa Malate. Kumain (na naman) ng dinner sa isang jubersarap na barbequehan dun. Tapos kwentuhan galore sa Starbucks. Dun we met some people. Me nakausap ako dun saglit na guy na cute and he gave me his number before we parted. He seemed like a nice guy and I wanted to give him a ring kaso ito ang message na narinig ko... The number you dialled cannot be reached... haiizz

1 comments:

JM said...

magcocomment na lang ako para sabihing "no comment" sa last portion ng entry na to. hahaha