I am back from a trip back to my province which I thought would be worse than before. Sobrang marami ng nagbago sa lugar na minsan kong kinasasabikang uwian. Hindi na siya kasing lively di tulad nung bata pako na probinsyang probinsya ang feel niya kasi maraming hayop, maingay mga tao atbp. Wala na yung maiingay na baboy na naging alarm clock ko nung bata ako tuwing papakainin sila tuwing umaga. Naalala ko tuloy nun na yun ang palagi kong pinupuntahan kasi aliw na aliw ako sa laki at ingay ng mga baboy kahit na mabaho sila at hinahanap ko kung me biik dun hehehe. Palaging highlight ng uwi namin nun ang pagkatay nila ng 1 o 2 mga baboy kaya nagigising ako ng maaga para lang makita kung paano nila gitlan ng leeg tapos ilalagay yung dugo sa planggana tsaka hahaluan ng asin ( me pagkapsychopath lang ang dating bata pa lang) Wala na ring mga sisiw na dati kong hinuhuli tsaka ko daw nilalagay sa loob ng lata at pagpapatung patungin ( na muntik ko ring ikabulag ng biglang nakawala yung nanay nila at tinuka ako sa mukha malapit sa mata) Wala na ring mga itik na kinukuhanan namin ng mga pinsan ko ng itlog na kakainin namin tuwing umaga. Higit sa lahat, wala rin yung mga dati kong kasama sa kakulitan ko. I feel so alone. Kasi ang mga pinsan ko dun ay 10 years younger than me. Yung mga tito at tita ko dun ay mas matanda rin sakin at siyempre ang natira ay ang mga lolo at lola ko. At dahil dyan napilitan akong aliwin ang sarili ko. Kung hindi ako naglalakad magisa sa baybay hoping na merong isang hottie na mangingisda (para magaling manisid) o kaya magsasaka (para magaling umararo) ay nagiging ulirang baby sitter ako ng mga pinsan kong super kulit, o kung di naman ay ginagamit ko nalang ang cam ko para di masayang ang pagkakacharge ko sa kanya. Marami sanang magagandang photo-ops kung kasama ko ang mga malalandi at mga hayok din sa camera kong friends. At least sa tatlong araw ko dun ay nailagan ko ang tanong kung me girlfriend na ba ako at hindi na rin ako sinugod ng lolo ko at sinabihan akong bakla ako hahaha actually mabait nga siya nung buong stay ko dun at tinitry niya akong biruin. Triny ko namang maging casual pero hindi ko na talaga maiwasang mailang sa kanya. Natouch lang ako sa sinabi nung mga pinsan ko nung nagbonding kami sa dagat at pauwi na kami... "Sana kuya dito ka nalang palagi"
Ito ang nagagawa ng walang magawa sa probinsya:
picturan ang lahat ng puno na makita kahit yung nabuwal na at magilusyon ng photoshoot
( gusto ko sanang magpichur ng nakahiga dito sa puno na to na parang fairy na natutulog lang)
hindi mapigilang magposing sa nabuwal na puno hahaha
(neutral pose nga lang)
picturan ang lahat ng klase ng ulap at halaman...
( gusto ko sanang magpichur ng nakahiga dito sa puno na to na parang fairy na natutulog lang)
hindi mapigilang magposing sa nabuwal na puno hahaha
(neutral pose nga lang)
picturan ang lahat ng klase ng ulap at halaman...
1 comments:
hay parang ganun din dati sa bulacan.. madaming baboy at itik at kung ano-ano pa. pero nagyon ala na, puro pabrika.
Post a Comment