3 comments

Say Cheese..

Gustong gusto na kitang ipakilala sa pamilya ko. Yung tipong ieexpect ka na nila every weekend na pupunta sa bahay. Makikisalo samin sa hapag kainan. Kukulitin mo ang mga kapatid ko at tatanungin ka naman ng kung ano anong tanong ng nanay at lola ko. Ayaw ko ng gumawa ng kung anu anong dahilan pag-uwi ko ng bahay pagkatapos nating magkasama. Napapagkamalan pa tuloy nila na babae ang karelasyon ko. Gusto ko na kasama ka na hindi lang sa mundo ko kung hindi sa mundo rin nila. Alam ko minsan ay napapatingin ako sa ibang mga lalaki kaya napangiti ako nung naglambing ka na sana ikaw na lang ang cute at macho sakin. Kung alam mo lang kung gaano kita pinagnanasaan hahaha. Alam ko medyo mahirap kung hindi man imposible ang mga iniisip kong eksena sa future natin pero magiging masaya nako basta tanggapin nila ako at ikaw kapag hiningi mo na ang kamay ko... wahahaha umaambisyon habang umaambon ngayong hapon!=)

0 comments

Bangungot ng isang baklang bangag...

I knew I was in a family gathering of some sorts. Wedding? Reunion? I had no idea. Hinaharot ko dun si Lola. It must be a wedding because there were people making speeches. Suddenly, I heard an outburst from the speaker. A grandmother of mine that is based in the States. It probably is January. She always comes home every January. I got upset with what I heard she was saying, furious even. "Kaya nga kami nagiwan ng mga lalaki dito e para secure kayo... iyon naman pala e mga bakla." I found myself shouting. "Oo, Bakla ako! Anu namang masama don?!" I was shocked with what I was doing and then I walked out. There was chaos afterward but I went to a safe place. I was conversing with someone telling him that I already told my family. Elated and yet still boggled with what I just did. Then I woke up...

2 comments

I can't sleep again...

Its 2:30 in the morning and I could hear our neighbor's cocks crowing their asses away while I'm thinking about a few different things. Hindi na naman ako makatulog ng maayus. I don't know if its because I'm thinking that I might not be able to wake up for the early appointment that I have made with a friend. Or maybe its because my body clock hasn't readjusted itself to my normal sleeping pattern. I'm also thinking where will I go next since my previous employment is as long as my first relationship. But the one thing that kept me awake in the middle of the night is the dream of what will happen next in the series that I was watching prior to sleeping. At dahil hindi nako makatulog I opted to just write about random stuff.

Yesterday, I went to Megamall to assist in reformatting the laptop of my friend. At dahil sa hindi pa kami naglulunch ay yun ang una naming hinanap. We were looking for a place where we could plug her laptop in case she runs out of battery pero halos lahat ng establishments ay walang electrical socket. Hindi naman pedeng sa coffee shop kami kumain dahil wala namang totoong food dun. So sabi niya Food Court daw kami. Go naman kami dun. Akala naman namin ay may socket na dun dahil andaming nakatambay dun with their laptops. Nakita ko ang NYFD at nabili ako ng fries. Nagkatitigan kami ng friend ko dahil si Kuya ay kasing yummy at hot ng fries na binebenta niya. At dahil umandar na naman ang (slight) na pagkalandi ko e tinanong ko kung bakit maraming tao dun sa podium noon. Sinagot naman ako ni Kuya pero nasense ko lang na nasense lang niya ang (slight) na paglandi ko at ang "Pare, Im straight at pag nilandi moko ay jombag ang abot mo sakin" vibe. Ito namang torpe kong friend e niloloko ko na kunin na ang number para lang (slight) na iflirt pero dahil sa mas mahiyain pa siya sa makahiya kahit na biniyayaan na siya ng more than average na future ay hindi man lang siya kumembot ke Kuya. Kaya napilitan kaming lumayo na ke Kuya at maghanap ng mappwestuhan namin.

Namili siya ng gusto niyang pwesto namin at dahil sa nakasanayan ko ng reflex ng mata ko e nakascout na naman ako ng next target. Saktong sakto sa harap ko ay isang cute na chinito na me masayang kinakausap na mama sa harap niya. Nagkatinginan din kami ng ilang beses pero dahil umandar ang pagkamayumi ko ay hindi nako tumingin ulit sa kanya. (Kung wala lang yung kausap niya e pinuntahan ko na yun para tanungin kung nagiisa lang siya ahihihi) Umalis na rin sila ng kausap niya after a while at nagdaldalan nalang ulit kami ng friend ko habang kumakain.

Gogora na sana kami sa pinakamalapit na coffee shop at magpapaalam na rin sana ako ke Kuya NYFD ng nakita ng friend ko na cute yung emcee nung program sa podium. Lapit naman kami sa stage at akala ko e nanlalabo lang ang mata ng kaibigan ko pero wit. Gwapo pala talaga siya. Matangkad tapos ang ganda pa ng katawan hehehe at dahil ang alam ng friend ko ay si Kim at Gerald ang nagshow ay nanghinayang siya dahil gusto daw niya talagang makita first hand kung totoo ang balibalita na super mega payat in person si Kim Chiu. Siyempre ako ang gusto kong makita e ang katawan ni Gerald kaya pinabayaan na muna namin si Kuya Emcee para masilayan ang dalawa. Mygulay first time ko yung ginawa sa buhay ko. Usually hindi ko naman pinapansin ang mga celebrities kung sakaling me show sila sa mall or makita somewhere pero dahil pareho kaming curious ay nakiusisa na rin kami dun. Bongga ang security nila talagang parang buong kapulisan sa mall ay nakabantay na sa mga naghihiyawan na mga fans. At nung lumabas na ang iniintay namen ay najustify naman ang pagiging oa ng mall sa security at ang pagkabaliw ng mga katabi namen. XET!! Angwapo ni Gerald!! Angtangkad niya tapos ang kisig at marami pang iba. Ang akala ko dati ay normal lang ang height niya pero hindi pala. Mas matangkad siya sa inaasahan kong height niya hehehe (Hindi pa rin ako makagetover sa kagwapuhan niya. )Kaya naman pala siya naging artista. Anyways dahil sa nakaalis na siya ay bumalik na kami sa pupuntahan namin. Siyempre ay dumaan ulit kami ke Kuya Emcee (dahil sa pagpupumilit ng aking kaibigan) Punta kaming CBTL kaso lahat na ng socket dun ay sinaksakan na so kelangan naming lumipat sa kapihan ng bayan ang Starbucks. Sayang at me cutie pa naman doon na nagbabasa ng libro. Marami pang nangyari habang nasa Starbucks kami at siyempre hindi mawawala dun ang mga hombre na nakikita namin but the cocks are a crowing once again at me hint na naman ako ng antok pero kelangan ko na ring magayus dahil baka malate na naman ako...

0 comments

Dreaming of a picket fence...

I haven't been blogging lately perhaps because I am lacking of things that I could write of. Or perhaps its because I was too lazy to write what I've been thinking. Maybe its because I have found someone that I could tell almost everything. I just watched "A Single Man" and I want to have that kind of life. Not the tragic ending but the 16 years of living a domesticated life. Everytime I would see someone with a baby, I would often imagine how it will be nice to raise a family of my own but I know that its not as simple as it appears to be. I have to settle my own life before I could setle down. I think I may have found the person that I want to get settled with but I couldn't tell what the future holds for us. Heck, with the craziness of the world right now maybe 2012 may not be just another prediction...

0 comments

Bad Puppy...

I was so paranoid these past 24 hours kasi I really thought that I'm going to go loco. hahaha I was bitten by our new puppy dahil hinaharot ko siya at ang buong akala niya ata ay buto yung paa ko. Kahit na yung sugat ko eh parang kinagat lang ng langgam e naparanoid pa rin ako kasi I've seen what people with rabies look like. The whole night I was being so emotional thinking what would happen kung sakasakaling I go off the edge of sanity. Iniisip ko na yung mga linyang bibitawan ko just before I get insane. muhahaha Pero nung magpapaturok nako ng anti-rabies at sinabi ko dun ke ate na magiinjek sakin na feeling ko sumasakit yung paa na nakagat eh sabi lang niya na napaparanoid lang ako kasi super minor lang daw ang kagat ko. muhahaha Nagmoment moment pa naman ako last night....

0 comments

Sobrang cheeessyyy...

This is a line I wanted to quote because I think its sooooo sweeet. Kukunin kong linya to sa magiging wedding vow ko nyahaha.

" May you never steal, lie or cheat. But if you must steal, then steal away my sorrows. And if you must lie, lie with me all the nights of my life. And if you must cheat, then please cheat death, because I couldn't live a day without you. "

=p awwww naluha lang ako dun. Kung siguro nasa sinehan ako kasama siya at hindi ko lang yun pinanuod sa pirata na kasama ang buong pamilya e hahagulgol nako hehehe

0 comments

Rabbit without Ears

Keinohrhasen (English title: Rabbit Without Ears) is a 2007 German romantic comedy film, written, produced and directed by Til Schweiger. Co-written by Anika Decker, and starring Nora Tschirner and himself, the story of the film revolves around a philandering gossip reporter Ludo who reconvene with his ex-classmate Anna when he is sentenced to 300 hours of community service at her day-care facility.


Dahil sa nakita kong video ng Onerepublic sa youtube kaya nacurious ako sa movie na ost niya. A really nakakakilig, funny and witty film. Kahit na effort dahil kelangan ko pang ayusin ang subtitle na nadownload ko dito, it was all worth it. I am wishing I could get hold of the sequel for this movie.

0 comments

Magawang business nga to...

0 comments

The damage is done...

How can you move forward when someone betrayed your trust? Do you take in all the times that you've spent together and look past what wrong judgment he/she committed? Could a simple sorry enough for the doubt and hurt that you feel from the mistake that he have committed?

I know people deserve second chances but it is really difficult for me to give it to someone who already broke my trust especially if that person really means a lot to me. I am sorry because I am not the kind of person who could easily let go of things. Honestly, I don't know what we should do. I don't even know how to cope with the hurt and confusion I am feeling right now. This sucks. I love you and I miss you but I don't know if I'll be able to trust what you are telling me right now. I want to work this out. Believe me, I do. But right now, I am still not over it and you asking me questions that I still don't know the answers to is not helping...

2 comments

awake in the dead of the night

It's past 12 already and yet my eyes are wide open without even a hint of sleepiness. I was in the bed at around 10. I just tossed and turned. I think I am the only one awake in the whole house. I am thirsty but I'm much of a scaredy cat to get out of the room and get some water. What to do... what to do...?

0 comments

Act your age...

"Actually pinagdasal ko yun eh na hindi ka matanggap..." Seriously?! I mean seriously?! ( Meredith Grey tone) Nice!! Magdadasal ka na nga lang, yung ikakasama ko pa. Ok I get it. You all want me to do something that YOU all want me to do. It just hurts becauseI thought you were supposed to support me no matter what. Not pray for my demise just because its not something that you planned out. I know that you all mean well for me but please let me grow up in my own way. I'm lost right now. I'm saddened because the feeling that I have had with all of you aren't the same now. Once upon a time, I could tell everything and anything to all of you. Now I feel like a stranger. I have walls around me and I feel like a stranger to the people I adore before. I want to better myself but hearing you say that made me feel lost. It just goes to show that maturity doesn't really come with age... x(

0 comments

Phobia 2

Justify FullPhobia 2 is a 2009 Thai horror movie dissected into 5 shorts stories; Novice, Ward, Backpackers, Salvage, and In The End. Actually the reason why I got this from my suking dibidi stall was because I thought that the actors on the cover were cute. And right I was. However I paid the price of not being able to sleep that whole night because this movie was FREAKING scary! I nearly screamed like a lady because of this. If only Philippine horror movies are this good. It has a very freaky and unexpected twist at the end which made me want to scour for the 1st installment.

0 comments

Pwede ka ng magka-gf...

I just talked to an aunt of mine and again it was time for me to laugh awkwardly and think of a really lame excuse. Sabi ba naman sakin e: "O pede ka ng mag-girlfriend." I think they think that I think I don't have the privilege of having a girlfriend rather than they thinking that I'm not interested on dating a woman or probably it was a request for me to have a girlfriend to make them think otherwise that I am truly gay even if gayness is just oozing out of my every pores. hahaha Gustong gusto ko sanang ibanat na me boyfriend ako ngayon kaya malabong magakagirlfriend ako so sinabi ko nalang na "I want to enjoy a single life muna tita." Kung magffront naman ako ng mga kaibigan kong babae as girlfriends e baka naman kung ano pa isipin nilang pagawa samin nun. eeeekkk. If only they could just say... "O kelan mo ba papakilala bf mo samin?" hahaha

0 comments

Bente Sentimetros...

With an "Almodovarian" twist and the flamboyance of The Adventures of Priscilla, Queen of the Desert , director Ramón Salazar’s 20 Centimeters tells the story of Marieta (Mónica Cervera) a narcoleptic, transsexual who longs to get rid of 8 inches of equipment that separates her from being the glamorous woman she dreams to be. When she accidentally falls asleep in the most inopportune times, Marieta’s dreams become lavish and colorful musical numbers, where as a real woman she can sing in Spanish, French & English. So cue up the lights, powder that face and slip on that sexy gown because Marieta’s dreams are about to come true...


Winnur ang movie na ito especially yung mga dream sequence ni Marieta. Sana lang ganun kafabulous lahat ng panaginip ko. Kung ganito lang sana kawafu ng lahat ng kargador sa pilipinas ay hihimatayin din ako hekhekhek

0 comments

Nangchichicks nalang ako ngayon...

Kahapon ay wala nakong takas sa mga pinsan kong galing Baguio na kinatatakutan dahil sa:
a.) hindi nila masyadong iniisip ang mga sinasabi nila.
b.) may tendency silang mangeskandalo sa harap ng maraming tao.
c.) bata sila kaya hindi ko sila pedeng itulak sa hagdan o baliin ang mga kamay (not that I'm capable of doing those things.)

So pinasyal ng tito ko sila sa Ocean Park tapos zoo tapos dumiretso kami sa mga pinsan pa namin sa Taguig at so far walang nangyaring kahit anung eskandalo. Napagod lang ako dahil habang bitbit ko yung pinakamaliit sa kanila dahil ayaw magpababa sa takot niya sa mga hayop ay hinihila naman ako nung tatlo sa mga hayop na gusto nilang puntahan.

Nakauwi ako sa amin ng wala ni isa man sa kanila na sumigaw sa public na bakla ako dahil sa suot kong damit. May isang moment lang nung nakita nila yung commercial ng showtime dun sa bahay ng mga pinsan ko na sinabi nung isa na ako si Vice. Siyempre prepared na ako dun kaya bago pa niya maisipang isigaw yun sa mga kapitbahay nila ay kiniliti ko na siya sabay sabing taguan nalang kami. hahaha

Pagdating namin sa bahay ay hindi pa sila pagod kaya nakipaglaro muna ako sa kanila. Napansin pala nila na umalis ako nung isang araw kaya tinanong nila ako kung saan daw ako nagpunta. Tumambling naman ako nung biglang bumanat yung isa sa kanila na "Nangchicks lang yan si kuya." Leche!! Chicks talaga!! Sabi ko nalang inaantok nako at kelangan ko ng matulog.

0 comments

Super Freak! Cirque Du Freak!


Lots of quotable quotes such as "I'll ram my head up your a$%!!" and "Being human is not what you are but who you are" Lots of laugh and a really freaky movie and not your ordinary boring vampire movie. Looking forward to the next installment...;p

1 comments

Chuecatown (Boystown)


This movie is very funny especially the female casts. Besides that, there is a very sexy scene with Pablo Puyol at climax. I think I'm loving Spanish gay movies. That or their actors hehehe

1 comments

Inhale... Exhale... Walk Away...

Waaaahhhh!!! Unting unti nalang meron na talaga akong magagawang hindi maganda at baka pagsisihan ko. Sumasakit na ulo ko sa pagpapasensya sa kanya at me 2 linggo pa natitira. Gustong gusto ko na talagang sumagot ng pabalang!! Buti nalang me natitira pakong respeto sa kanya. Sana makayanan ko pa ng two weeks. Kelangan ko nalang talagang umiwas as much as I can kaso ako palaging hinahanap nito. Grrr talaga. Masusunog na talaga ako sa hell sa mga iniisip ko. Tama ba naman kasing lahat e pakielaman at lahat me komento. Yun pa naman pinakakinaiinisan kong ugali ng mga matatanda. Yung feeling nila e porket matanda na sila na alam na nila ang lahat. Yun rin yung reason kung bakit hindi kami close ng dad ko eh. Yun at yung pagkokomento niya everytime na me makita siyang bakla sa kung anu mang pinapanuod o pinapakingan niya. Siyempre nahuhurt ako kasi feeling ko hindi niya ako matatangap kung sakaling mag bonggang parade nako. Helllooo normal na mga bakla sa mundo!!! Get over it!!! Kaasar talaga. Matutulog na nga lang ako. XXX(

2 comments

Muntik nakong maging straight...

Kanina, habang ako ay naglalakad papunta sa malapit na suking mall ay may nakita akong babae. Ngunit hindi siya pangkaraniwang babae dahil hindi tumaas ang aking kilay sabay tingin mula ulo hanggang baba. Sa halip ay humanga ako sa hubog ng kanyang katawan. Ang kanyang mahaba at payat na binti ay mas naeenhance ng suot niyang pares ng pantalon kaya kitang kita rin ang bilugan at matatambok na likuran. Ang kanyang balat ay makinis at porselana na mas lumutang pa dahil sa suot niyang itim na tank top. Idagdag pa na bet ko ang suot niyang sapatos na mas lalung nagpatangkad sa kanya. Binilisan ko ang aking lakad para makita ko kung talikod-genic lang ba ang loka. Nang ako ay nasa overpass sinilip ko kung anung hitsura niya. Winnur si ate. Bihira lang ako humanga sa mga babae dahil kadalasan ay pinagtatawanan ko lang sila. So tuloy pa rin ako sa paglakad papuntang mall habang iniisip ko pa rin kung gaano kaganda at kaseksi si ate. Saktong nasa entrance ako ng mall ng biglang lumabas si kuya na male counterpart nung ate na kakakita ko lang. Biglang sunod sunod na silang nagsisulputan. Napangiti ako dahil nawala na sa isip ko si ate at pinaalala sakin kung bakit ko nagustuhan ang mga barako... hahaha

3 comments

Kelangan ko na talagang maging bastos minsan...

Minsan talaga kelangan ko ng maging taklesa at magpakabastos sa mga tao. Nagiinit na ulo ko kanina sa kanya kanina dahil sa kung anu anong pinapagawa niya sakin tapos hindi pa ako maayos na kinakausap. Pero nung tanungin niya ako ulit e hindi ko mapigilang sagutin siya ng maayos. haiiizzz. Ang hirap din ng sobrang bait. Kelangan ko ng mag-seminar ng pagiging bastos pero hindi ko naman alam kanino ako magpapaturo.... hehehe

1 comments

Home at Last...

I am back from a trip back to my province which I thought would be worse than before. Sobrang marami ng nagbago sa lugar na minsan kong kinasasabikang uwian. Hindi na siya kasing lively di tulad nung bata pako na probinsyang probinsya ang feel niya kasi maraming hayop, maingay mga tao atbp. Wala na yung maiingay na baboy na naging alarm clock ko nung bata ako tuwing papakainin sila tuwing umaga. Naalala ko tuloy nun na yun ang palagi kong pinupuntahan kasi aliw na aliw ako sa laki at ingay ng mga baboy kahit na mabaho sila at hinahanap ko kung me biik dun hehehe. Palaging highlight ng uwi namin nun ang pagkatay nila ng 1 o 2 mga baboy kaya nagigising ako ng maaga para lang makita kung paano nila gitlan ng leeg tapos ilalagay yung dugo sa planggana tsaka hahaluan ng asin ( me pagkapsychopath lang ang dating bata pa lang) Wala na ring mga sisiw na dati kong hinuhuli tsaka ko daw nilalagay sa loob ng lata at pagpapatung patungin ( na muntik ko ring ikabulag ng biglang nakawala yung nanay nila at tinuka ako sa mukha malapit sa mata) Wala na ring mga itik na kinukuhanan namin ng mga pinsan ko ng itlog na kakainin namin tuwing umaga. Higit sa lahat, wala rin yung mga dati kong kasama sa kakulitan ko. I feel so alone. Kasi ang mga pinsan ko dun ay 10 years younger than me. Yung mga tito at tita ko dun ay mas matanda rin sakin at siyempre ang natira ay ang mga lolo at lola ko. At dahil dyan napilitan akong aliwin ang sarili ko. Kung hindi ako naglalakad magisa sa baybay hoping na merong isang hottie na mangingisda (para magaling manisid) o kaya magsasaka (para magaling umararo) ay nagiging ulirang baby sitter ako ng mga pinsan kong super kulit, o kung di naman ay ginagamit ko nalang ang cam ko para di masayang ang pagkakacharge ko sa kanya. Marami sanang magagandang photo-ops kung kasama ko ang mga malalandi at mga hayok din sa camera kong friends. At least sa tatlong araw ko dun ay nailagan ko ang tanong kung me girlfriend na ba ako at hindi na rin ako sinugod ng lolo ko at sinabihan akong bakla ako hahaha actually mabait nga siya nung buong stay ko dun at tinitry niya akong biruin. Triny ko namang maging casual pero hindi ko na talaga maiwasang mailang sa kanya. Natouch lang ako sa sinabi nung mga pinsan ko nung nagbonding kami sa dagat at pauwi na kami... "Sana kuya dito ka nalang palagi"

Ito ang nagagawa ng walang magawa sa probinsya:

picturan ang lahat ng puno na makita kahit yung nabuwal na at magilusyon ng photoshoot
( gusto ko sanang magpichur ng nakahiga dito sa puno na to na parang fairy na natutulog lang)


hindi mapigilang magposing sa nabuwal na puno hahaha
(neutral pose nga lang)

picturan ang lahat ng klase ng ulap at halaman...

pati hayop buhay...

o patay...

at siyempre pichuran nalang ang sarili hahaha

3 comments

Here We Go Again...

One week and I'm already exhausted. I love my lola and I miss her terribly but right now she is getting into my nerves. I know she has good intentions as they all have had before when they tried to hard sell nursing to me and because I wasn't really decided on what to take up, I eventually gave in. But that is in the past, I have to get over it. Right now, I'm still a bum with a really messed up plan if there is any running on my mind. Now, she is trying to make me work in places I am so not comfortable to work in. Saudi!! I have heard from stories of friends who have gay friends that previously worked there and they have been adamant in telling me not to work in Muslim countries because gay people are prosecuted there. Talk about feeding me to the wolves. Demmit! I want to figure out how to work this mess of my life right now on my own and I just need their support, not them taking over my life.

2 comments

Awkward much...

Ang mga relatives ko sa aking father side ay kasalukuyang andito sa bahay ngayon. At katulad lang ng isang bonggang bonggang family reunion ay awkward time na naman para sakin. Buti nalang ay meron akong inasikaso buong araw kaya nakaiwas na naman ako sa mga tanong na hindi ko na dapat sinasagot at hindi na dapat nila iniuusyoso. Syempre napansin na naman ng lahat na medyo lumaki ako ng unti na tanggap ko naman kasi talagang mukha akong drug addict ng aking high school at college days. Hindi ko nga alam kung bakit bigla nalang ako lumobo bigla. Ever since naman talaga ay hindi na talaga ako close sa kanila tapos ngayon na angtagaltagal ko ng hindi nakauwi at alam kung anung nangyayari sa life nila ay bigla silang magsusurprise visit... kaya ito ako ngayon nagtatago sa kwarto hahaha baka naman isipin nila snob ako... haiiizzz saan kaya ako magtatago sa mga susunod na araw sa probinsya???

1 comments

Questions and Crushes...

My grandparents recently arrived from abroad last Friday. At dahil ako ang walang ginagawa ngayon sa bahay, ako ay magiging personal alalay for the whole month. That night they were craving for ice cream at kelangang bumili ng sim card for them to get in touch with us kung kelangan. I accompanied my lolo to the mall at syempre we're having small talk along the way. Dahil aktibo siya ay naglakad pa rin kami pauwi kahit na medyo hinihingal nako sa pagakyat at pagbaba ng overpass habang me bitbit. Tapos biglang bumanat pa siya ng, "O me girlfriend ka na ba?" Tatambling sana ako kung wala lang ako bitbit eh. Dinaan ko nalang sa halakhak sabay sabing wala pa tapos awkward silence na. hahaha kasi naman bakit kelangang maging intrigero lahat ng mga kamag-anak tungkol sa lovelife ng mga kamag-anak nila. Sasabihin ko sana "Lo boyfriend po meron ako..." Kaso baka hindi nako bigyan ng pasalubong hahaha. Tapos next week ay sasamahan ko namang umuwi sa probinsya ang lola ko. Effort. E ilang taon na nga akong hindi umuuwi dahil sa nangyari sakin dun eons ago... waaahhh for sure hindi lilipas ang time ko dun na hindi ako matatanong nun or worse hahaha...


Dahil na rin sa andito ang lola ko ngayon ay napa-comeback din ako sa loob ng simbahan. Hindi na kasi ako regular na napapasimba dahil sa @) Indian yung pari at hindi ko siya maintindihan kaya parang wala rin. b) minsan ay walang sense ang sinasabi ng mga pari at parang namumulitiko lang c) tinatamad lang ako hehehe. So kanina akala ko Indian na naman yung pari kaya natetempt nakong sumakay ng trike at lumipat ng simbahan. Pero mukhang mapapasimba nako every week kung siya na ang aming official parish priest dahil parang crush ko na ata siya hahaha (masama ba yun?) Kahit na mukhang slightly aged na siya ay me hitsura pa rin tapos me sense of humor (nagjoke kasi siya sa homily) at nakakainlove yung boses niya (Kumanta rin kasi siya sa homily) waaaahhh mapupunta na talaga ako sa impyerno hahaha


5 comments

It's Been A Year...^-^

Time is quick and it's been more than a year since I met you and we've been together for a year now. I just want to thank you for putting up with all my craziness and drama this past year. Thank you for loving my flaws, for always saying I love you and take care, for always understanding me and not picking fights, for making me laugh, for being vulnerable and saying what you feel, for making me feel safe with you, for your sweet gestures, for your hugs and kisses, for being spiritual, for your faithfulness, for not being perfect. I love you so much and I hope we'll have another year to go... ^-^